Ferry vs barge: 31 nasaktan
Tinatayang aabot sa tatlumput isa-katao ang iniulat na nasaktan makaraang sumalpok ang ferry boat sa isang lantsang-de-diskarga (barge) sa Tagbilaran Channel sa
Ang mga walong pasahero na kabilang sa M/V Ocean Jet 3 ay dinala sa Romero Hospital, Borja Clinic at Celetino Gallarez Hospital sa Tagbilaran City, ayon kay Cristobal Hinayon.
Kinilala ang mga sugatang pasahero na sina Jocelyn Calolo, Michael Baquio, Rodel Cahote, Camille May Buan, Cecille Yap, Michel Paras, Arnel Belocora at Julie Anne Gonzales.
Lumilitaw sa pagsisiyasat, na naglalayag ang ferry boat ni Capt. Domingo Huilar nang aksidenteng mahagip ang Barge Valerie ni Capt. Emmanuel Corpuz na naka-angkla sa bisinidad ng Beacon #3 para pumasok sa Tagbilaran Channel.
Ayon sa ulat, pag-aari ng Ocean Fast Ferry Corp. na may office address sa Pier 1,
Dahil sa naganap na sea mishap ay nayupi ng isang metro ang unahan ng nasabing ferry, samantala, nayupi naman ang gilid ng barge na may isang metro ang lalim.
Nagawa naman makadaong ng ferry boat na may 140 pasahero sa pantalan ng Tagbilaran City habang nanatili naman naka-anchore ang barge sa orihinal nitong puwesto.
Pinayuhan naman ng PCG ang kapwa kapitan ng sasakyang pandagat na nagsumite ng kani-kanilang reklamo sa kinauukulan. (Edwin Ian Melecio, Evelyn Macairan at Danilo Garcia)
- Latest
- Trending