^

Probinsiya

Foreigner nagbigti

-

CEBU CITY  Pinanini­walaang nag-suicide ang isang ’di-pa kilalang turistang lalaki makaraang matag­puang na­ka­bitin sa punong­kahoy sa ma­sukal na gubat na sakop ng Sitio Kasam­bagan sa Ba­rangay Pulang­bato, Cebu City kahapon ng umaga.

Ayon kay PO3 Geoffrey Gutual, imbestigador ng Homicide Section, malimit ma­kita ng mga residente sa kabahayan ang nasabing lalaki na may edad 20-anyos pataas at palabuy-laboy nitong naka­lilipas na araw bago matag­puan ni Rey Yunting na nanga­ngahoy sa nasabing lugar.

Nabatid din sa magka­patid na sina Reynante Ma­malias, 10  at Jomar Mama­lias,12, na na­ngunguha rin ng pangga­tong noong Sa­bado ng hapon ang nakakita sa biktima na umiinom ng alak habang na­kaupo sa isang nabuwal na puno.

Narekober ng pulisya ang halagang P60, isang lighter, isang bawas na ang laman ng kaha ng sigarilyo, isang cutter mula sa bulsa ng biktima.

Wala pang nakitang ebi­densya sa ngayon ang mga im­bestigador na may foul-play sa insidente, gayon pa man ay isasailalim sa awto­psiya ang bangkay nito. (Edwin Ian Melecio)

vuukle comment

EDWIN IAN MELECIO

GEOFFREY GUTUAL

HOMICIDE SECTION

JOMAR MAMA

REY YUNTING

REYNANTE MA

SHY

SITIO KASAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with