^

Probinsiya

179 tauhan ng TF Subic sinibak

- Ni Alex Galang -

SUBIC BAY FREEPORT — Tinatayang aabot sa 179 miyembro ng Task Force Subic na pinaniniwalaang nakikipag­sabwatan sa mga smuggler ang sinibak ni Pre­sidential Anti-smuggling Group (PASG) chief Antonio Villar.

Ipinag-utos din ni Villar ang malawakang pagbalasa sa mga opisyal para mapa­litan ng bagong unit na ka­kalaban sa patuloy na smuggling sa Subic Bay Freeport Zone.

Ang pagbalasa ay ini­hayag ni PASG Usec Villar sa ginanap na press conference kahapon kung saan naka­sama niya sina Subic Bay Metropolitan Autho­ rity (SBMA) Chairman Feliciano Salonga at SBMA Administrator Arman Arreza kaugnay sa pagpapa-igting ng koo­peras­yon ng mga ahensya sa kam­panya na pigilan ang mga tangkang pagpasok ng mga smuggled goods sa panguna­hing Free­port ng bansa.

Hiniling din ni Villar kay Bureau of Customs (BoC) Commissioner Napoleon Morales na i-reshuffle ang mga collector sa nasabing Freeport.

Ang pagpapalit sa mga da­ting miyembro TFS ay gagawin na lamang 80 personnel para makakilos ang anti-smuggling group dahil sa posible aniyang nilamon na ng sistema at naki­kipag-kutsabahan sa mga is­ magler ang kasalukuyang TFS.

Ang pagbalasa ay isina­gawa makaraang mabuking na mailabas ang may 15 kahon ng mamahaling cellular phones na ipinapalagay na nagkaka­ halaga P45 milyon at ipinabalik din sa shipper ng international cargo courier.

ADMINISTRATOR ARMAN ARREZA

ANTONIO VILLAR

BUREAU OF CUSTOMS

CHAIRMAN FELICIANO SALONGA

COMMISSIONER NAPOLEON MORALES

SHY

SUBIC BAY FREEPORT ZONE

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with