^

Probinsiya

Apo ng ex-councilor pinatay

-

CAMP MIGUEL MALVAR,  Batangas – Brutal na kama­tayan ang sinapit ng isang apo ng ex-city councilor sa Ba­tangas matapos matagpuang tadtad ng saksak ang bangkay nito sa ilalim ng tulay sa Ba­tangas City noong Huwebes ng umaga (Enero 17).

Sa naantalang ulat na  nakarating sa opisina ni P/Senior Supt. David Quimio, Ba­tangas police director, kinilala ang biktima na si Vicente Julian “VJ” Pastor, 16, 3rd year high school student sa University of Batangas.

Si JV ay anak ng promi­nen­teng pamilya ng mag-asawang Julian “Nitoy”  Pastor at Everlita Nea ng JP Aguila Street sa Brgy. Cuta, Ba­tangas City at apo ng ex-Batangas City Coun­cilor Dr. Vicente Pastor at Priscila Pastor, retired chief Nurse ng Batangas Regional Hospital.

Ayon sa ulat, natagpuan ang bangkay ni JV sa ibaba ng hagdanan ng Calumpang Bridge sa bahagi ng Barangay Pallocan West bandang alas-6:30 ng umaga noong Enero 17.

Napag-alamang nag-swimming pa ang biktima sa Alpa Hotel bandang alas-8 ng gabi noong kapiyestahan ng Ba­tangas City, Miyerkules ng Enero 16 kasama ang naka­ba­batang kapatid, tiyuhin at drayber ng pamilya.

Makalipas ang kalahating oras, nagdesisyong umuwi ang mag-utol pero naisipan ni JV na bumaba sa plaza upang bu­mili ng balot at tuluyang nag­paiwan ito matapos sa­bihin sa kapatid na sasakay na lamang ito ng dyipni papauwi.

Sa panayam naman ng PSN sa ama ng bata, hindi na na­kauwi  si JV noong gabi ng Enero16 hanggang sa magpa-police blotter sila kinabukasan sa Batangas police station at nagkataon namang may na­tang­gap na ulat ang pulis na may na­tagpuan bangkay sa tulay ng Calumpang.

“Bandang alas-6 ng umaga nang tawagan ko pa ang cell phone ng anak ko subalit, iba ang sumagot na nagpakilalang “Ruel” at biglang naputol ang linya,” pahayag ng matandang Pastor.

May kumalat na ulat na ang mga suspek sa pagpatay kay JV ay padrino ng ilang pulis na nakatalaga sa Camp Miguel Malvar sa Batangas.  (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

AGUILA STREET

ALPA HOTEL

BATANGAS

ENERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with