Ninang ginahasa ng inaanak
Ginahasa ng isang lalaki ang kaniyang ninang sa kasal sa Urdaneta, Pangasinan kamakalawa ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Richard Mendoza, 28, ng Barangay Dos ng nasabing bayan.
Ayon sa biktimang itinago sa pangalang “Elena,” pasado alas-10:00 ng umaga kamakalawa at kaaalis lamang ng kanyang Mister para pumasok sa trabaho nang biglang dumating sa kanilang bahay si
Dahil inaanak sa kasal ay inalok pa ito ng biktima na kumain muna ng inihanda niyang pagkain subalit bigla siyang sinikmuraan.
Bagaman nagawang manlaban ni Elena sa inaanak subali’t nanghina rin ito dahilan sa sobrang lakas ng suntok nito sa kaniyang sikmura.
Iginapos umano siya ng suspek at binusalan ng tela ang bibig para hindi makasigaw saka dinala siya sa kuwarto at doon siya ginahasa.
Sa presinto, nakitaan ng maraming kalmot sa mukha at katawan si
- Latest
- Trending