^

Probinsiya

Rerouting scheme sa Sinulog Festival

-

Isang malawakang rerouting scheme ang ipa­tutupad ng City Traffic Office Management(CITOM)sa Cebu City partikular na sa palibot ng Basilica del Sto. Niño upang bigyang daan ang selebrasyon ng Fiesta Señor 2008 na magsisimula ngayon hanggang Enero 20 at gayundin sa Enero 25 kung saan isasagawa ang “Hubo,”  ang pagpapalit ng damit ni Senor Sto.Niño.

Ang rerouting scheme ay sisimulan bandang alas-6 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi sa mga nasabing araw.

Lahat ng pampasa­he­rong dyipni na may rutang 21B at 22B na bumabaybay sa Osmeña Blvd. ay ka­kaliwa patungong D. Jako­salem St. at kakanan pa­tungong Gomez St. hang­gang Urdaneta St., Lapu-lapu St., Jereza St. palabas ng M.J. Cuenco Avenue pa­tungo sa kanilang desti­nasyon sa Mandaue City.

Ang mga pampa­sahe­rong dyipni mula sa Banawa, Guadalupe at Capitol ay babagtasin ang Osmeña Blvd. bago kakanan patu­ngong Lapu-lapu St. at kakaliwa sa Legaspi St. pakanan sa Plaridel Extension bago bumalik sa Os­meña Blvd. mula rito ay sundin na ang dating ruta.

Sa lahat naman ng mga pampasaherong dyipni mula sa Talamban ay didiretso lang bago kakaliwa patu­ngong Lapu-lapu St. at kakaliwa ulit patungong Legaspi St. at D. Jakosalem St., mula rito tuluy-tuloy na sa dating ruta.

Sa D. Jakosalem St., ang lahat ng passenger dyipni na 10D, 09H at 12M ay kakaliwa patungong Legaspi St., bago liliko sa Plaridel Ext. palabas ng Plaridel St. patungong Magallanes St. mula rito ay susundin na ang dating ruta saka pabalik sa pinang­galingan.

Ang mga sasakyang magmumula sa Mandaue City sa P. Burgos St. ang liliko sa pakaliwa patungong Urdaneta St. at kakaliwa ulit patungong Lapu-lapu St. bago pakanan ng Jereza St. patungong M.J. Cuenco Ave.

Lahat naman ng passenger dyipni na 08G, 09C, 10E, 12D at 11D na bu­mabaybay ng P. Burgos St. ay kakanan patungong Legaspi St. at Plaridel Ext. hanggang Plaridel St. patungong Ma­gallanes St., mula rito ay tuluy-tuloy na sa dating ruta.

Habang ang mga PUJs naman na 11A, 10G at 10K sa Magallanes St. ay liliko patungong D. Jakosalem St. hanggang sa M.C. Briones St.at kakaliwa patungong Lapu-lapu St. pabalik ng D. Jakosalem St. bago kuma­liwa patungong Colon St.

Ang rerouting ay ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Cebu City dahil sa libu-libong deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang dadagsa. Edwin Ian Melecio

ADDRESS

JAKOSALEM ST.

LAPU

LEGASPI ST.

PATUNGONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with