^

Probinsiya

Dalagang ina niluray ng kainuman

-

CAVITE — Nag-iiyak ang isang dalagang ina nang siya ay magising na mayroong katabing isang lalaki at kapwa sila walang saplot sa katawan matapos siyang makatulog sa sobrang kalasingan sa Noveleta, Cavite kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ni PSI Susan De Lara, hepe ng pulisya rito, ang biktima sa alyas na Rose, 18 at residente ng Barangay Pechayan Salcedo 2 ng bayang nabanggit.

Agad  namang nadakip ng pulisya ang suspek na si Ro­derick Dena, 29, binata, factory worker at residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ni P01 Glenda Llaneta, may hawak ng kaso, dakong alas-8:00 ng gabi nang magising ang biktima na parang pagod at masakit ang katawan at naramdamang may naka­patong na mabigat sa kanya.

Laking gulat na lamang nito ng mapag-alamang wala na siyang saplot sa katawan at katabi na niya si Dena na wala ring saplot.

Napag-alamang inaya umano ni Dena si Rose na makipag-inuman at nang pauwi na ang biktima dahil sa kalasingan ay sinundan siya ng suspek hanggang sa pagsamantalahan siya nito. (Cristina Timbang)

vuukle comment

BARANGAY PECHAYAN SALCEDO

BATAY

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

DENA

GLENDA LLANETA

KINILALA

SUSAN DE LARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with