^

Probinsiya

Misis, buntis sinilaban ni mister

- Joy Cantos -

Naging maalab na Ba­gong Taon para kay kama­tayan ang sinapit ng isang misis na limang buwang buntis na binuhusan ng gasolina saka sinilaban ng sariling mister sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Jose Abad Santos, Davao del Sur kamakalawa ng gabi.

Halos natusta ang buong katawan ni Berlyn Alip, samantala, isinugod na­man sa ospital ang sus­pek na nahaharap sa ka­song 2 counts of parricide na si Allan Alip matapos na madilaan ng apoy ang kanyang braso, paa at ari.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame,  naganap ang  insidente pasado alas-10 ng gabi sa tahanan ng mag-asawang Alip sa naturang munisi­palidad.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, nag-away ang mag-asawa matapos sun­duin ng biktima ang kani­yang mister na nakikipag-inuman sa mga kaibigan kung saan napa­hiya ito matapos na kanti­yawan ng mga kainu­man.

Nabatid na walang ka­sama ang mag-iina sa ba­hay kaya pilit na sinusundo ng biktima ang kaniyang asawa na nakikipaglasi­ngan sa kanilang lugar.

Napag-alamang galit na umuwi ang suspek at ina­butang natutulog na ang kaniyang misis.

Dahil sa pagkalango sa alak ay nagmamadaling binuhusan ng gasolina ha­bang natutulog ang bik­tima saka sinilaban.

Gayon pa man ay hindi pa nito nabibitiwan ang hawak na galon ng gaso­lina kaya pati siya ay na­dilaan ng apoy sa braso, paa at ma­ging sa kaniyang ari.

Samantala, dinala na­man ang bangkay ng bik­tima sa bayan ng Maasim, Sarangani upang doon ilibing.

vuukle comment

ALIP

ALLAN ALIP

BERLYN ALIP

CAMP CRAME

DAHIL

JOSE ABAD SANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with