Mga tindahan ng paputok natupok
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Umaabot sa 26 tindahan sa pamilihang bayan ng
Sa pahayag ni Rosario Deputy Fire Chief Nestor Calasan, nagsimula ang sunog sa mga tindahan ng paputok sa Rosario Public Market.
Sa inisyal na imbestigasyon, sa 26 tindahang nasunog, 20 dito ang tindahan ng paputok samantalang 6 naman ang tindahan ng sapatos.
Batay sa ulat, nakita ng batang si Jaidilyn Sagpao ang lumpong suspek na si Albert Espinosa na siyang nagtapon ng sigarilyo sa mga tindahan ng paputok na nagbunsod para sumiklab ang apoy at magputukan ang mga panindang paputok.
Pinabulaanan naman ito ni Espinosa at sa halip itinuro naman si Sagpao na siya namang naghagis ng paputok na “piccolo” sa isang tindahan na pinagmulan ng apoy.
Ipinag-utos naman ni Rosario Mayor Nonong Ricafrente, ang pagbabawal ng mga paputok sa bayan ng
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa naganap na sunog na umabot sa 2nd alarm, ayon kay Calasan. (Arnell Ozaeta)
BULACAN
Samantala, aabot naman sa P10 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy habang tatlo-katao naman ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang sumabog ang may 20-tindahan ng paputok sa bayan ng Bocaue kahapon ng umaga. Ayon kay Fire Supt. Absalom Zipagan, Bulacan Fire Marshall, kabilang sa mga biktima ay sina Christopher Pineda at Romualdo Malingit na pinaniniwalaang kawani ng GMA 7 television network bilang mga technical crew at security guard at si Rodel Calupas, ahente ng mga paputok. Napag-alamang sumabog ang isa sa mga tindahan ng paputok kung saan nadamay ang 20 tindahan sa Barangay Turo may 100-metro ang layo mula sa northbound exit ng Bocaue toll plaza ng North Luzon Expressway kahapon ng umaga. Umabot sa fourth alarm ang sunog kaya’t agad na sumaklolo ang iba pang bumbero sa mga kalapit na bayan at lungsod hanggang sa maapula ang apoy bandang alas-11:30 ng umaga. Ayon sa ulat nadamay din sa sunog ang apat sasakyan kabilang ang Toyota Innova (ZLX-499), SUV pickup (VAT-201) at 2-motorsiklong Yamaha. Sa pahayag ng dating pangulo ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc. na si Engineer Celso Cruz, ang allowable stocking limit ng mga paputok sa mga tindahan ay 25-kilo lamang at dapat ay may pagitang 15 metro kada tindahan. (Dino Balabo)
- Latest
- Trending






















