^

Probinsiya

Jailguard tinodas ng preso

-

PANGASINAN – Binaril at napatay ang isang 52-anyos na jailguard ng isang preso na sinamahang magpa-medical checkup ng una sa Dagupan City ka­makalawa ng umaga. Sa ulat ni P/Supt. Mateo Casu­pang, hepe ng pulisya sa bayan ng Manaoag, kinilala ang biktima na si Jail Officer 1 Bernabe de Leon ng Barangay Buenlag sa bayan ng Binmaley.

Tugis naman ng pulisya ang nakapugang si Jose Pepito Salayog, 50, ng Barangay Tumog, Luna, Ka­linga, Apayao na kina­suhan ng sariling anak na babae.

Napag-alamang patu­ngo ang dalawa sakay ng van sa Trauma Hospital sa Dagu­pan City para magpa-medical checkup si Sala­yog.

Bago sumapit ng nasa­bing ospital ay pansaman­talang tumigil ang dalawa sa inuupahang bahay ng kapatid ni Salayog sa Barangay Babasit sa bayan ng Manaoag.

Ayon sa ulat, inaabot ni de Leon ang tasa ng kape nang biglang paluin ng kahoy sa noo ng suspek.

Kasunod nito ay inagaw ng suspek ang baril bago binaril at napatay ang jail­guard.

Kaagad naman naipag­bigay alam sa mga awto­ridad ang insidente mata­pos magtungo sa himpilan ng pulisya ang utol ng suspek at asawa nito.

Base sa obserbasyon ni Casupang, ilan sa naging pagkukulang ni de Leon sa insidente ay  walang court order o endorsement mula sa government physician ang medical checkup ng suspek at hindi pinosasan ng jailguard ang nasabing preso habang nasa labas ng kulungan. Eva Vis­peras

vuukle comment

BARANGAY BABASIT

BARANGAY BUENLAG

BARANGAY TUMOG

EVA VIS

JAIL OFFICER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with