^

Probinsiya

Industriya ng paputok bumabagsak

-

MALOLOS CITY – Pa­tu­loy ang pagbagsak ng industriya ng paputok sa bansa dahil sa smuggling at magkakataliwas na pa­takaran ng gobyerno.

Ayon kay Joven Ong, pangulo ng Dragon Fireworks, ang pinakamalaking manufacturer ng paputok sa bansa na nakabase sa bayan ng San Rafael, ma­raming kapwa manufacturer ng paputok ang sang­kot sa smuggling.

“Hindi ko na kailangang sabihin pa kung sino ang involve dahil alam naman ng marami kung sino sila,” ani Ong.

Sinabi pa niya na ma­daling malaman kung sino ang nagpupuslit ng paputok dahil sa ang mga  ito ay wala namang pabrika ngu­nit nagbebenta bilang isang manufacturer.

Aniya, dapat ipatupad ang batas hinggil sa pag­reregula sa paggawa, at pagbebenta ng paputok.

“Hanggat hindi nasu­sugpo ng pulisya ang smug­gling lumalabas na pabor sila dito,” aniya.

Idiniin din ni Ong na kapag may nasaktan sanhi ng paputok ay ang mga katulad niyang legal na manufacturer ang laging sinisi ng gobyerno.

“Dapat din nilang alamin kung legal ba yung manufacturer at yung produto,” aniya at sinabi pa na ang karaniwang nagiging sanhi ng pagkasugat ay ang mga oversize o ilegal na pa­putok.

Sinabi rin niya sa kabila ng suporta ng pamaha­laang panglalawigan ng Bulacan sa industriya ay marami ding ahensya ng gobyerno ang unti-unting sumasalungat sa batas na nag-reregulate sa pag­gawa at pagbebenta nito.

Kabilang dito ay ang pagbabawal ng ilang pa­mahalaang local sa pag­gamit ng paputok.

“Mukhang hindi nagka­kaunawaan ang mga tao ng gobyerno hinggil sa indus­triya ng paputok.  Legal ito, bakit ipinagba­bawal nila. Gusto ba ni­lang ibalik sa mali ang isang bagay na itinuwid na ng batas?” ani Ong.  (Dino balabo)

DRAGON FIREWORKS

JOVEN ONG

ONG

PAPUTOK

SAN RAFAEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with