Bus vs jeepney: 3 todas
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Hindi na inabot ng Pasko ang tatlo-katao makaraang bumangga ang kanilang sasakyang pampasaherong jeepney sa kasalubong na bus sa bayan ng Tagkawayan, Quezon noong Lunes ng hapon.
Kinilala ni P/Inspector Geminiano Danez, hepe ng Tagkawayan PNP, ang mga biktimang nasawi na sina Erwin Ramos, 27, drayber ng AUV jeepney; Erlinda Realino, 54; at Ricardo Decena, 52, pawang mga residente ng Taytay, Rizal.
Samantala, ginagamot sa
Ayon sa report, binabagtas ng pampasaherong bus na PP Bus Lines (HUJ-434) ni Redentor Pana ang kahabaan ng Quirino Highway sa Barangay San Francisco nang makasalubong ang AUV jeep (WGP-796) bandang alas-4 ng hapon.
Dahil sa lakas ng impak, tumilapon pa ng ilang metrong layo ang AUV at tumama sa bahay ni Romeo Ilocario na naging sanhi ng kanyang pagkakaospital dahil sa tinamong sugat sa braso.
Agad na tumakas ang bus drayber na si Pana matapos ang aksidente pero sumuko rin sa pulisya may ilang oras ang nakalipas. (Arnell Ozaeta)
- Latest
- Trending