^

Probinsiya

Nanganak sa palikuran

-

LEGAZPI CITY – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa kasisilang na sanggol na lalaki makaraang mabagok ang ulo at putulin ang inunan nito ng sariling ina na 20-anyos na kolehiyala sa loob ng palikurang ng boarding house sa Barangay, Daraga, Albay kahapon ng madaling-araw.

Kasalukuyang nasa Bicol Regional and Teaching Hospital ang nagsilang na itinago sa pangalang Marites, estudyante sa Immaculate Concepcion College sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ng pulisya, nagtungo sa palikuran si Marites para jumingle subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang lumabas ang sanggol sa kanyang sinapupunan at nabagok ang ulo sa sementong sahig.

Naiwan naman ang inunan ng sanggol sa tiyan ni Marites matapos nitong puwersahing pulutin.

Naisugod naman sa ospital ng kanyang kapwa estudyante ang biktima. May posibilidad na itinago ni Marites sa kanyang mga magulang ang pagbubuntis kaya naganap ang insidente. (Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

BICOL REGIONAL AND TEACHING HOSPITAL

DARAGA

ED CASULLA

IMMACULATE CONCEPCION COLLEGE

KASALUKUYANG

MARITES

NAISUGOD

NAIWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with