^

Probinsiya

Piloto dedo sa plane crash

-

CAMP AGUINALDO — Kumpirmadong namatay ang isang pilotong sakay ng pribadong spray plane maka­raang bumagsak sa bulubun­duking bahagi ng Barangay Mangayon sa bayan ng Com­postela, Compostela  Valley kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Anselmo Simeon Pinili, hepe ng Police Regional Office (PRO) 11 Ope­rations and Planning Division,  ang biktima na si Capt. Mario Reyes. Sa inisyal na imbesti­gasyon, lumilitaw na bigla na lamang nagloko ang makina ng Turbo Thrush aircraft na may registry number PRC–R2827 na nasa ilalim ng super­bisyon ng Air Track Aviation Corporation at pag-aari ng SUMIFRU. Ang nasabing spray plane ay nagi-spray ng fungicides sa Banana Planta­tions na pag-aari ng Compos­tella Plantations Inc (CPI) Fresh Banana Agricultural Corp (FBAC) at ng Davao Fruits Corporation (DFC) ng maganap ang insidente. “May foggy dito sa area, poor vi­sibility ,nahihirapan ako,” ayon sa biktima na humingi ng tulong bago tuluyang bumag­sak at tumama sa mga pu­nong­kahoy sa kabundukan ang naturang spray plane. Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa  ng tang­ga­pan ng  Air Transportation Office (ATO) Aviation Safety Division upang matukoy ang tunay na sanhi ng pagbagsak ng nasabing plane. (Joy Cantos)

AIR TRACK AVIATION CORPORATION

AIR TRANSPORTATION OFFICE

ANSELMO SIMEON PINILI

AVIATION SAFETY DIVISION

BANANA PLANTA

BARANGAY MANGAYON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with