^

Probinsiya

P8-M ari-arian tinupok ng apoy

-

BULACAN – Pinanini­walaang depektibong Christmas lights ang tumu­pok sa P8 milyong ari-arian makaraang masunog ang bahay ng nakatatandang kapatid ni Bulacan Governor Joselito Mendoza sa Barangay Duhat, Bocaue, Bulacan noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Fire Officer 3 Joseph Dela Rosa ng Bocaue fire station, nag­tungo sa airport ang  pa­milya Tuazon upang sun­duin ang panganay na anak na lalaki na dumating mula sa Estados Unidos nang masunog ang bahay na pag-aari ni Teresita Men­doza-Tuazon

Ayon sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog ban­dang alas-6:30 ng gabi hanggang sa maapula bandang alas-10 ng gabi noong Biyernes.

Napag-alamang naiwan sa bahay ng pamilya Tua­zon ay ang katiwala na si Glenn Arriba, 20.

Sinabi naman ni Glenn Arriba sa mga imbestigador na ilang minuto bago tulu­yang kumalat ang apoy, may nakita siyang usok mula sa mga halamang may nakasabit na Christ­mas lights sa labas ng bahay.

Bukod sa nasunog na bahay at mga appliances sa loob nito, nadamay din ang isang Mitsubishi Pajero (VBC 369) at Hyundai Sta­rex van na may plakang RCM- 228 na nakaparada sa garahe.

May posibilidad na ang mga Christmas lights na nakasabit sa labas ng bahay ang posibleng sanhi ng sunog, subalit patuloy pa rin ang imbestigasyon upang matukoy ang pinag­mulan ng apoy. Dino Balabo

AYON

BARANGAY DUHAT

BIYERNES

BOCAUE

BULACAN GOVERNOR JOSELITO MENDOZA

DINO BALABO

GLENN ARRIBA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with