^

Probinsiya

1 dedo sa karera ng motorsiklo

-

CAMP SIMEON OLA, Le­gazpi City — Nauwi sa tra­hedya ang karera ng dala­wang motorsiklo matapos na magsalpukan ang mga ito sa gitna ng Maharlika Highway sa Barangay Anislag, Da­raga, Albay kahapon ng ha­tinggabi.

Nakilala ang nasawi na dead-on-the-spot ay si Arnel Ma­tamorosa, 35, may asa­wa, drayber at residente ng naturang lugar.

Malubha namang suga­tan sina Arnel Mediavillo, 25, may asawa, drayber at re­sidente ng Barangay Malo­bago ng naturang bayan at ang backrider na nakilalang si Sherwin Namia, 29.

Ayon sa pulisya, ang aksi­dente ay naganap dakong alas-12:20 ng hatinggabi habang ang minamanehong motorsiklo ng nasawi na isang XRM na walang plaka ay nakikipagkarera sa isa din na XRM na motorsiklo na may plate no. EI-9051 at bi­nabagtas ang kahabaan ng naturang highway.

Nang makarating sa lugar at dahil sa bilis ng takbo ng mga ito ay hindi na makontrol ng mga drayber ang kanilang mga manibela kaya nagsal­pukan ang dalawa at kapwa tumilapon. (Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

ARNEL MA

ARNEL MEDIAVILLO

BARANGAY ANISLAG

BARANGAY MALO

ED CASULLA

MAHARLIKA HIGHWAY

SHERWIN NAMIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with