^

Probinsiya

Ama kinatay ng anak

-

BANGUED, Abra – Nag­mistulang kinatay na baboy ang katawan ng isang 75-an­yos na ama matapos pagtata­gain ng sariling anak noong Sa­bado ng hapon sa Ba­rangay Lun-Luno sa bayan ng Luba, Abra.

Ayon kay P/Senior Supt. Alex Pumecha, provincial police director, nagkagutay-gu­tay ang katawan ng biktimang si Blas Tibnagen, biyudo, sa­mantalang ani­mo’y balewala ang isina­gawang krimen ng suspek si Villamor Tibnagen na kapwa naninirahan sa na­banggit na barangay.

Sinabi ni Pumecha na agad sumaklolo ang mga tauhan ng 1601st Police Mobile Group, subalit patay na ang biktima habang hindi naman kaagad ina­resto ang suspek dahil sini­sikap ng mga council of elders sa kanilang barangay na ayusin na lang ang kaso.

Napag-alamang bago ma­ga­nap ang pamamas­lang, lumilitaw na may rec­ord na ang suspek na may kapan­sa­nan sa pag-iisip dahil nag­tangka na rin itong magpaka­matay, subalit na­agapan la­mang ng kan­yang mga kapit­bahay. Myds Supnad

vuukle comment

ABRA

ALEX PUMECHA

AYON

BLAS TIBNAGEN

MYDS SUPNAD

POLICE MOBILE GROUP

SENIOR SUPT

SHY

VILLAMOR TIBNAGEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with