^

Probinsiya

Ika-2 pagpapasabog sa Cotabato nasilat

-

KIDAPAWAN CITY – Napigilan ng mga awtoridad ang isa na naman sanang pagsabog sa Cotabato City matapos madiskubre ang isang improvised  explosive device (IED) na itinanim sa gilid ng Quezon Avenue  kahapon.

Na-detonate ng mga Explosives and Ordnance Disposal Team ng Army ang IED na isinilid sa isang plastic bag at iniwan sa mataong lugar sa Cotabato City, na ayon sa mga imbestigador ay posibleng bahagi ng terror plan ng mga terorista.

Ang natagpuang bomba na nasa kahon ng si­garilyo at iniwan sa harap ng Ber­mejo Machine Shop na may ilang metro lamang ang layo sa gasolinahan ay gawa sa bala ng 81mm mortar  projectile na nakakabit sa isang improvised  battery-operated  blasting mechanism, ayon kay P/Senior Supt. Willie Dangane, city police director.

Ito na ang pangalawang bomb try na napigil ng mga awtoridad.

Noong Biyernes, isang granada ang iniwan sa isang motorsiklo  na nakaparada sa harap ng opisina ng finance officer na si Osmena Montaner ng Department of Agriculture sa Central Mindanao.

Di-pumutok ang granada kahit wala na itong safety lever, ayon sa Cotabato City PNP. Malu Manar

CENTRAL MINDANAO

COTABATO CITY

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

EXPLOSIVES AND ORDNANCE DISPOSAL TEAM

MACHINE SHOP

MALU MANAR

NOONG BIYERNES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with