^

Probinsiya

SK member dinedo sa victory party

-

CAMP CRAME  – Isang tinedyer na nanalong Sangguniang Kabataan councilor ang iniulat na pinaslang sa victory party sa bayan ng Hermosa, Bataan kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Leo Bagullo,17, isa sa nanalong SK member na nakabase sa Barangay Bamban ng nasabing munisipalidad.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Mark Gil Dacayo, 20, ng Dinalupihan, Bataan. Sa imbestigasyon ng pulisya, naga­nap ang krimen sa beach resort na sakop ng Barangay Bamban kung saan nagdaraos ng victory party ang  grupo ng biktima kaugnay ng pagwawagi nito noong SK elections. Napag-alamang dumating sa nasabing resort si Dacayo kahit hindi imbitado sa victory party at agad na hinanap ang biktima saka kinamayan bilang pagbati sa pagwawagi nito. Gayunman, nang tumayo at naglakad na si Bagullo para puntahan ang iba nitong bisita ay pinagsasaksak ito ng suspect habang nakatalikod. May teorya ang pulisya na may kinalaman ang krimen sa katatapos na barangay at SK elections. Joy Cantos

Patayan dahil sa lupa

CAVITE  – Pinaniniwalaang agawan sa lupang pag-aari ng gobyerno ang isa sa dahilan kaya napatay sa barilan ang isang drayber habang kritikal naman ang isa pa sa naganap na karahasan sa  Barangay Molino 3, Bacoor, Cavite kahapon ng ma­daling-araw. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Sandrey  Jaresco, bus driver habang kritikal naman si Roman Suelo, alyas Panoy  34, family driver at kapwa residente ng Villa Esperanza sa Green valley ng nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ni PO1 Aries Reyes, nagkahamunan ng patayan ang dalawa dahil sa lupa ng pamahalaan na pinag-aagawan ng mga squatter sa nabanggit na lugar. Matapos ang matinding kom­prontasyon ay nagbarilan ang dalawa at kapwa duguang bumulagta. May teorya ang mga awtoridad na patuloy na may magaganap na karahasan sa nabanggit na lugar. Cristina Timbang

PNP clueless sa 2 kinidnap

KIDAPAWAN CITY – Clueless pa rin ang pulisya kaugnay sa pagkawala  ng project engineer na si Morced Taglitis at isa pang kawani ng Islamic Da’wah Council of the Philippines (IDCP), isang NGO na pinopondohan ng Jeddah government. Ayon kay P/Chief Supt. Joel Goltiao, ARMM police director, nagpakalat na sila ng mga plainclothes men sa downtown Jolo sa Sulu para mangalap ng impormasyon tungkol sa pagkawala ni Taglitis at kasama niyang si Arsimin Kunnung na huling namataan papalabas ng ASY Penthouse sa nabanggit na bayan, noong October 31. ‘Di rin matukoy ng mga imbestigador kung anong grupo ang posibleng may hawak sa dalawa at hanggang sa ngayon, wala pang natatanggap na ransom note ang mga kaanak ng dalawa, ayon kay Goltiao. Napag-alamang sina Taglitis at  Kunnung na dumalo sa isang training sa Zamboanga City bago tumuloy ng Jolo  ay nag-mo­monitor sa mga scholarship project ng IDCP sa nabanggit na bayan. Malu Cadelina Manar

ARIES REYES

ARSIMIN KUNNUNG

BARANGAY BAMBAN

BARANGAY MOLINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with