^

Probinsiya

Globe cell site sinunog ng rebeldeng NPA

-

Muli na namang nag­pakita ng bangis ang mga rebeldeng New People’s Army matapos na sunugin ng may 50 nitong miyem­bro ang isang cell site ng Globe Tele­coms na kani­lang sinalakay sa San Fernando, Masbate kama­kalawa ng gabi.

Batay sa report ng Police Regional Office 5, naganap ang  insidente sa Brgy. Baya­nihan, San Fer­nando ban­dang alas-8:00 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, dinisarmahan ng mga ar­ma­dong rebelde ang nag-iisang security guard na nagba­bantay sa nasabing cell site na kinilalang si Fernando Cantoria.

Kinuha rin umano ng mga rebelde ang cellphone at radio ni Cantoria saka iginapos ang walang kala­ban-labang security guard.

Agad na binuhusan ng gasolina ng mga rebelde ang cell site na sinilaban ng mga ito hanggang sa tulu­yang maabo sa insi­dente.

Wala namang nasawi o nasugatan sa nasabing pa­nununog na ayon sa mga awtoridad ay bahagi ng pangingikil ng revolutionary tax ng mga rebelde.

Matapos ang panunu­nog ay mabilis na nagsita­kas ang mga rebelde patu­ngo sa hindi pa malamang desti­nasyon.

Sa tala, ang  insidente ay ikaapat sa panununog ng Globe cell site sa lala­wigan ng communist rebels habang patuloy namang inaalam kung magkano ang naging pinsala sa nasabing panana­botahe. (Joy Cantos)

FERNANDO CANTORIA

GLOBE TELE

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

POLICE REGIONAL OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with