^

Probinsiya

2 brodkaster ligtas sa ambush

-

CAMP CRAME – Masuwerteng nakaligtas sa tiyak na ka­pa­hamakan ang dalawang brodkaster ng Radio Ukay  ma­karaang tambangan ng mga ‘di-kilalang kalalakihan sa panu­lukan ng Jumao-as at Rizal Avenue sa Digos City, Davao del Sur kahapon ng umaga. Ang mga biktimang magka­ang­kas sa motorsiklo nang ratratin ay nakilalang sina Marlan Mal­negro at Ruben Oliverio. Ayon sa imbestigasyon, kata­tapos lamang ng dalawa sa pang-umagang programang Radio Ukay  nang paputukan ng isa sa dalawang sakay din ng motorsiklo. Gayon pa man, sumablay ang naunang putok ng kung saan masuwerteng hindi tinamaan sina Malnegro at Oliverio. Muling kinalabit ng gunman ang gatilyo subali’t nagbara ang bala ng baril kaya nagkaroon ng pagkakataon ang dalawang na makatakas. Patuloy ang imbestigasyon kaugnay sa tangkang pamamaslang laban sa dalawa. Joy Cantos

Brgy police dedo sa suntok

QUEZON – Dahil sa lakas ng suntok, bumagok ang ulo sa sementong gutter at namatay ang isang barangay police sa naganap na karahasan sa Barangay Bilucao, Sampalok, Que­zon, kamakalawa. Nagka-internal he­morrage ang biktimang si Baltazar Encanto, 56 ng nabanggit na barangay habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Charles Calubayan, 30. Sa imbes­tigasyon ng pulisya, dumating sa core housing ang suspek na lulan ng motorsiklo subalit hindi ito nakapasok dahil isinarado ng biktima ang gate. Sa galit ng suspek ay agad nitong nilapitan at sinuntok ang biktima na ikinatumba nito at ang ulo ay tumama sa sementadong gutter. Naisugod pa sa Sampaloc District Hospital ang biktima subalit kinalaunan ay nalagutan rin ito ng hininga. Tony Sandoval

Pinugutan sa inuman

KIDAPAWAN CITY – Halos maputol na ang leeg ng isang 38-anyos na lalaki nang matagpuan ang bangkay nito sa abandonadong lote sa Barangay Katipunan sa bayan ng Sto. Nino, South Cotabato noong Miyerkules ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rolando Vistavilla ng nabanggit na barangay. Ayon sa mga kaanak, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan noong Martes ng gabi. Isinailalim sa post-mortem examination ang bangkay ni Estavillo habang inimbitahan naman ng pulisya ang ilang kainuman ng alak ng biktima para makapagbigay linaw sa naganap na krimen. Malu Manar

vuukle comment

AYON

PLACE

PLACENAME

PLACETYPE

RADIO UKAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with