^

Probinsiya

Sulyap Balita

-

Sarhento dedo sa holdaper

QUEZON  — Pinagbabaril hanggang  sa mapatay ang isang sarhento ng Phil. Army ng isa sa tatlong hol­daper makaraang ipagtanggol ang mga kasamahang pasahero sa loob ng pampasaherong bus sa Brgy. Bebito, Lopez, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Staff Sgt. Pedro Caraga ng Solcom Adjutant Office sa Camp Nakar, Lucena City. Base sa ulat ng pulisya, lulan ng Raymund Bus Liner mula sa Bicol patungong Maynila nang magdeklara ng holdap ang tatlong armadong kalalakihan. Kaagad na  nag-panic ang mga pasahero ng bus subalit pinakalma sila ni Sgt. Caraga hawak ang kanyang service firearm. Lingid sa kaalaman ni Sgt. Caraga ay nasa kanyang liku­ran ang isa sa mga holdaper kaya siya ang pinaputukan ng may ilang ulit. Kaagad namang bumaba at tumakas ang tatlo kaya’t hindi naisagawa ang holdap. (Tony Sandoval)

6 katao binoga sa bingo fair

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Anim-katao ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang barilin ng shotgun ng ’di-kilalang lalaki sa bingohan sa Barangay It-ba, Manito, Albay, kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga biktimang nasa Manito District Hospital ay sina Andrew Daen,16; Janet Logronio, 20; Jesus Dayson, 17; Salvador Caballero, 18; Richard Darryl,17; at si Eliza Joma­que, 20, pawang mga residente ng nabanggit na ba­rangay. Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga biktima ay nagbi-bingo bilang bahagi ng kapistahan nang lumapit ang ’di-kilalang lalaki at isagawa ang krimen. Malaki ang paniniwala ng ilang residente na may nakagalit ang gunman na naglalaro ng bingo kaya idinamay ang limang biktima. (Ed Casulla)

Bata pinasabog ang ulo

CAMP CRAME — Sumabog ang bungo ng isang 5-anyos na batang babae matapos na barilin ng shotgun sa ulo ng kaaway ng kanyang lolo sa bayan ng Alaminos, Pangasinan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rose Ann Barril ng Barangay Quibar ng na­banggit na bayan. Sa salaysay ni Averlino Barril sa pulisya, natutulog ang kanyang apo sa loob ng silid nang makarinig ito ng sunud-sunod na putok ng shotgun. Nang tunguhin ni Barril ang  silid ay duguan ang kanyang apo na sabog ang ulo.Tinukoy naman ng matanda ang suspek na nagngangalang Rogelio Hidalgo na matagal na niyang kaaway. Sinabi pa ng lolo ng biktima na siya ang tunay na target ng suspek subalit minalas namang tamaan ang kanyang apo. (Joy Cantos)

vuukle comment

ANDREW DAEN

AVERLINO BARRIL

BARANGAY IT

PLACE

PLACENAME

PLACETYPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with