22-anyos huli sa P2.4 milyong marijuana sa Benguet

BAGUIO CITY, Philippines — Arestado ang isang 22-anyos na lalaki matapos masamsaman ng P2.4 milyong halaga ng marijuana sa buy-bust operation ng pulisya sa Kibungan, Benguet, nitong Huwebes ng gabi.
Ayon sa ulat ng Kibungan Police, alas-10:30 ng gabi noong Oktubre 22 nang simulan ang operasyon sa Sitio Baloc, Barangay Poblacion. Natapos ito dakong alas-1:27 ng madaling-araw nitong Biyernes, October 23.
Nasamsam sa operasyon ang 20 pahabang bungkos na naglalaman ng hinihinalang mga tangkay at tuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa brown packing tape at transparent plastic.
Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na itinuturing na high-value drug target.
- Latest


















