^

Probinsiya

3 patay, 2 pa kritikal sa gun attack!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
3 patay, 2 pa kritikal sa gun attack!
Masusing iniimbestigahan ng mga pulis ang lugar kung saan walang habas na pinagbabaril ang limang katao na ikinasawi ng tatlo sa naganap na gun attack sa Brgy. Kalanganan 2, Cotabato City nitong Biyernes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Tatlo katao ang patay habang dalawa pa ang kritikal matapos silang paulanan ng bala ng isang grupo ng kalalakihan na armado ng assault rifles malapit sa Timako Hill sa Barangay Kalanganan 2, dito sa lungsod nitong Biyernes.

Kinilala ni Captain Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang mga nasawi na sina Datu Maceda Taup Yusop, Mokamad Tabunaway Lanta at Reni Hamsa.

Kinumpirma ni Salanguit ang insidente na naganap bandang alas-12 ng tanghali sa Kalangangan 2 na nag-iwan ng tatlong patay at dalawang malubhang nasugatan.

Ang mga sugatan na nakilala namang sina Daryl Bagundang Oliveros at June Tabunaway Lanta ay mabilis na dinala ng mga barangay officials sa Cotabato Regional Medical Center para malapatan ng lunas.

Sa inisyal ng ulat na ibinahagi ni Cotabato City police director Col. Jibin Bongcayao, mula sa mga imbestigador at intelligence operatives na rumesponde sa insidente, lumalabas na ang magkakasama ang mga biktima sa isang lugar malapit sa fish pond na kalapit din ng Timako Hill sa Barangay Kalanganan 2 nang biglang lumutang ang mga suspek na may mga dalang combat rifles at agad silang pinagbabaril.

Dead-on-the-spot sa insidente sina Yusop, Lanta at Hamsa dahil sa mga tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Matapos ang pamamaril, agad tumakas ang mga salarin sakay ng puting Toyota Hilux pick-up truck, ayon sa mga barangay officials at Moro community leaders sa lugar.

KRITIKAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with