Isa pang suspek sa solon slay tiklo
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Naaresto ng pinagsanib na elemento ng Special Operation Group ng Rizal Provincial Police Office at ng 418th Police Mobile Group, ang isa pang suspek sa ambush-slay ni Abra Rep. Luis Bersamin Jr. habang nagtatago sa bayan ng Baras, Rizal noong Linggo ng umaga.
Kinilala ni P/Senior Supt. Freddie Panen, Rizal police director, ang suspek na si dating Abra Vice Mayor Freddie Dupo.
Si Dupo ay naaresto sa bisinidad ng Sitio Kilingan, Barangay Paenan bandang alas-6:30 umaga, isang araw matapos maaresto naman ang kasabwat ni Dupo na si Sonny Taculao.
Sa tactical interrogation, ikinanta ni Taculo si Dupo na siyang nagbayad ng P30,000 para umaktong lookout sa gagawing ambush laban sa solon noong
Naaresto si Taculao at Dupo sa bisa ng warrant of arrest na ipi nalabas ni Judge Lydia Layosa ng Quezon City Regional Trial Court.
Nakumpiska mula kay Ta culao ang isang kalibre 45 baril, samantalang wala namang nakuhang baril kay Dupo.
Inamin din ni Taculao na binigyan siya ni Dupo ng P20,000 para pambili ng motorsiklo na gagamitin sa surveillance operation laban sa nabanggit na solon. (Arnell Ozaeta, Ed Amoroso at Joy Cantos)
- Latest
- Trending