^

Probinsiya

28 nalason sa Chinese candy

-

CAMP AGUINALDO  — Aabot sa dalawampu’t walong mag-aaral sa elementarya ang iniulat na naospital ma­karaang malason ng imported na candy na ipinamahagi ng kanilang kaklase na nagdiwang ng kaarawan sa bayan ng Madridejos, Cebu kahapon ng umaga. Kasalukuyang ino­obserbahan sa Bantayan District Hospital, ang mga bikti­mang may edad 10 at 11-anyos ng San Agustin Elementary School sa Barangay San Agustin, Madridejos. Sa pahayag ng principal ng paaralan na si Victoria Santillan, bandang alas-11 ng umaga nang makaramdam ng pag­kahilo at pag­susuka ang mga estudyante makaraang kumain ng ube milk candy na ipinamahagi ng isang kaklase ng mga biktima na nagdiwang ng kanyang kaarawan. Natuklasan na ang candy ay mula sa Sweet World Philippines Incor­porated na inang­kat mula sa Guandong, China. Patuloy pa ang pag­susuri at imbestigasyon ng mga opisyal ng kalu­sugan sa sample ng kinaing kendi ng mga bata upang ma­batid ang uri ng kemikal na nakalason. Inaalam din kung expired ang petsa na naka­lagay sa nabanggit na kendi. Joy Cantos

BARANGAY SAN AGUSTIN

JOY CANTOS

MADRIDEJOS

PLACE

SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL

SHY

SWEET WORLD PHILIPPINES INCOR

VICTORIA SANTILLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with