^

Probinsiya

Honda CRV ng co-host ni Kuya Germs kinarnap

-

GUIGUINTO, Bulacan —Patuloy ang paglala ng insidente ng carjacking sa Bulacan na ang pinakahuling biktima ay ang ex-actress at co-host ni Kuya Germs sa “Walang Tulugan” na si Shirley Fuentes na natanga­yan ng kotseng Honda CRV sa Lungsod ng Meycauayan, Bulacan noong Martes ng gabi.

Ayon kay Fuentes (Ma. Cecilia Magmayo sa tunay na buhay), nagpunta sila ng kanyang dalawang kaibigang lalaki  sa St. Francis Village sa Meycauayan City para ting­nan ang kanyang lilipa­tang bahay.

Habang nasa loob ng bahay si Fuentes ay biglang may lumapit sa kanyang kot­seng Honda CRV na tatlong maskaradong kala­lakihang sakay ng kulay itim na Mit­subishi Adventure.

Ayon pa kay Fuentes, papalabas na siya ng bahay nang makita at maganap ang kaguluhan kayat agad siyang nagtago dahil sa takot na madamay.

Pinababa sa Honda CRV 2004 Model (XHX-573) ang dalawang kaibigan ni Fuen­tes na sina Rolando Mos­trado at Ricardo Digos bago tinangay ang nasabing kotse.

Duguan naman sina Mos­trado at Dignos dahil pinag­pa­palo ng baril ng mga car­jacker at kasama sa tinangay ang ’di-nabatid na halaga, celfone, laptop, camera at iba pang gamit ni Fuentes.  

Nairita si Fuentes dahil inabot ng isa’t kalahating oras bago rumesponde ang pulisya sa krimen.

Samantala, sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na grupo ng kilabot na “Abuyog Gang”, ang tu­ma­ngay sa CRV ni Fuen­tes. Dino Balabo at Joy Cantos

vuukle comment

ABUYOG GANG

AYON

BULACAN

FUENTES

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with