^

Probinsiya

Tauhan ng piskalya itinumba

-

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Isang em­pleyado ng Provincial Pro­secutors Office ng Masbate ang nasawi matapos pagba­barilin ng tatlong mga ’di-naki­kilalang mga suspek habang nakasakay sa isang pampasaherong bus kama­kalawa ng gabi sa Sitio Buri, Barangay Gangao, Baleno, Masbate.

Nakilala ang biktima na si John Lacheca,  41, may asa­wa at residente ng Barangay Lahong, Baleno.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakasakay ang biktima sa Baby Fling bus para sa pag-uwi nang lapitan siya ng mga suspek.

Ang mga suspek ay ka­agad naman na nagsibaba at mabilis na sumakay sa isang motorsiklo na nakaparada sa tabi ng kalsada patungo sa direksyon ng Masbate City.

Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na ang bik­tima ay matagal nang mi­na­matyagan ng mga suspek.

Nabatid na maging ang mga pasahero ng bus ay nag­talunan palabas ng bus nang makarinig ng sunud-sunod na putok.

Narekober ng mga ru­mespondeng pulis ang mga basyo ng bala ng kal. 45 pis­ tola na ginamit ng mga suspek sa kanilang pama­maslang sa biktima. (Ed Casulla)

vuukle comment

BABY FLING

BALENO

BARANGAY GANGAO

BARANGAY LAHONG

MASBATE

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with