^

Probinsiya

LTO man sabit sa P1.3-B shabu

-

Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang posi­bilidad na isang empleyado sa lokal na sangay ng Land Transportation Office (LTO) sa Butuan Island, San Fer­nan­do, Masbate ang nasa likod ng P1.3 bilyong ship­ment ng shabu na naharang ng pulisya sa  isang tumaob na van sa Calamba City kama­kailan.

Ito matapos na matukoy kahapon ng  pulisya na isang kawani ng LTO sa Masbate na si Dante B. Litada  ang may-ari ng tu­maob na van na naglalaman ng nasabat na aabot sa P1.3 bilyong halaga ng high grade shabu sa Calamba City, Laguna noong Miyer­kules.

Ito ang nabatid kaugnay ng patuloy na imbesti­gasyon base sa mga doku­mento ng Toyota Hi-Ace van na pinagkargahan ng may 246 kilos ng nasabing droga o methamphetamine hydro­chloride.

Noong una ay tinaya ng PNP-TMG na nagkakaha­laga ng P800,000 ang na­sam­sam na shabu subalit nang ipasuri ito sa crime laboratory ng pulisya ay napag-alamang high grade ang epektos na aabot sa halagang P1.3 bilyon ang street value.

Sinabi ni PNP-TMG Director, P/Chief Superin­tendent Perfecto Palad, ini­hahanda na ang pagsa­sampa ng kaukulang kaso laban kay  Litada.

Ayon kay Palad, inata­san na niya ang Provincial Police Commander sa Mas­bate na suyurin ang lugar sa  hinalang may malaking pabrika ng shabu dito na pinagmulan ng mga na­sabing illegal na droga. 

Magugunita na noong Setyembre 26 nasabat ng pulisya ang tinangkang ilusot na shipment ng shabu nang hindi huminto ang nasabing behikulo sa ini­latag na police checkpoint sa may Barangay Turbina, Calamba City.

Bunga nito ay nagka­ roon ng habulan hanggang sa bumaligtad ang van sa bahagi ng Barangay Prinza, Calamba City kung saan nasamsam ang nasabing bulto ng droga subali’t naka­takas ang driver at isa pa nitong kasama. Joy Cantos

BARANGAY PRINZA

BARANGAY TURBINA

BUTUAN ISLAND

CALAMBA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with