^

Probinsiya

Buntis na misis hinoldap, ni-rape sa Cavite

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Isang barangay secretary ang iniulat na kinidnap at hinoldap bago hinalay ng mga ’di-kilalang kalalakihan sa Trece Mar­tires City, Cavite kamaka­lawa ng umaga.

Kinilala ni Senior Ins­pector Panfilo Feranil, hepe ng Trece Martirez police, ang biktimang si Maridel Agpawa, 36, ng Barangay Labac sa bayan ng Naic, Cavite.

Sa salaysay ni Agpawa sa mga imbestigador ng pulisya,  bandang alas-4:30 ng hapon, habang nakatayo sa harap ng isang fastfood chain sa  nabanggit na lugar ay may humintong kulay itim na kotse at sapilitan siyang isinakay.

Hindi na nakapalag ang biktima nang tutukan ng patalim ng isang lalaki na may kataasan, maitim at may kulot na buhok at isa­kay sa kulay itim na kotseng hindi  nakuha ang plaka.

Napag-alamang dinala ang biktima sa bayan ng Indang, Cavite kung saan ay magdamag na hinalay matapos limasin ang payroll money ng barangay na nag­kakahalaga ng P155,000 at celfone.

Kinabukasan, ibinaba na lamang ng mga suspek si Agpawa sa bahagi ng Ba­rangay Luciano sa bayan ng Trece Martires City kung saan siya nag-report sa him­pilan ng pulisya.

Sa panayam ng PSN kay Capt. Feranil, inamin nitong may mga inconsistencies sa mga pahayag ng biktima kaugnay sa pagkakadukot at pagkawala sa dala-dala nitong pera.

 “Sinabi kasi nito na kahit minsan ay hindi siya bu­maba sa kotse para umihi, na nakapagtataka para hin­di maramdaman ng isang anim na buwang buntis” ani Feranil.

Patuloy pa rin ang isasa­gawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa biktima upang makuha ang iba pang detalye ng pangyayari at ang identity ng mga suspek.

vuukle comment

AGPAWA

BARANGAY LABAC

CAVITE

CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with