^

Probinsiya

‘Killer Mayor’ ipaaaresto ng DoJ

- Nina Rose Tamayo-Tesoro at Grace dela Cruz -

Nagdesisyon si Sec. Raul Gonzalez ng Department of Justice (DoJ) na ipaaresto at ibalik sa kulungan ang convicted ex-Mayor na si Esco­la­s­tico Hitgano Sr. na nasa ilalim ng parole probation ng pamahalaan matapos na hatulan ng Sandiganbayan sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Si Hitgano Sr. ay una ng nasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na isinampa ng grupo ng Human Rights sa Sandigan­bayan matapos na ipabuldo­zer nito ang mga kabahayan sa bayan ng Trento na pina­niniwalaang may intensyong makuha ang ilang lupain.

Sa record ng NBI, si ex-Mayor Escolastico Hitgano Sr. ay nasentensiyahan na makulong ng 6-12 taon su­balit nakulong lamang ito ng dalawang buwan at dala­wang linggo na ipinagtatak­a  ni Sec. Gonzalez. 

Nakatakda namang ka­suhan ang mga tauhan ng pulisya partikular na sina PO2 Noel Espina at SPO2 Artemio “Bon Jovi” Jovita sa bayan ng Trento sa Agusan del Sur matapos na takutin at pagbantaan ang mga tes­tigo sa serye ng patayan sa nabanggit na bayan na may kaugnayan sa politika.

Nabatid na una ng ipi­natapon ni PNP Deputy Director General Avelino Razon si SPO2 Artemio “Bon Jovi” Jovita sa Dinagat Island, Surigao del Sur mata­pos na mapaulat na pinag­tang­kaan nitong patayin ang isa sa “pangunahing testigo ng political killing sa bayan ng Trento.

Sa sinumpaang salaysay sa NBI ng self-confessed killer na si Elmo Numancia, si SPO2 Jovita ay isa sa labing-apat  na hitmen ni ex-Mayor Escolastico Hitgano Sr.

Samantala, pag-aaralan ng Department of Justice (DoJ) kung maaaring isaila­lim sa Witness Protection Pro­­ gram (WPP) ang mga testigo laban kay dating Trento, Agusan del Sur Mayor Escolastico Hitgano Sr. at sa asawa nitong si incumbent Mayor Irinea “Nene” Hitgano.

Sina Linda Oliver at Michael Ayong, na napagka­tiwalaan ni ex-Mayor Esco­lastico Hitgano Sr. ng “blue book” na listahan ng mga ipa­papatay at napatay na kalaban sa politka ay kapwa pangun­ahing testigo.

Kasunod nito, ngayong araw (Lunes) ay pormal na isa­­sampa ng NBI ang ka­song multiple murder at kidnapping sa DOJ laban kay ex-Mayor Escolastico Hit­gano Sr. matapos na maka­kuha ng konkretong ebiden­siya laban sa mga ito.

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BON JOVI

DEPARTMENT OF JUSTICE

HITGANO SR.

JOVITA

SHY

TRENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with