^

Probinsiya

Yate ni Rep. Madrona lumubog

-

BATAAN – Tatlo-katao ang iniulat na nailigtas mula sa lumubog na yate ng isang congressman ng Rom­blon matapos na balya­hin ng ma­laking alon sa karagatang sakop ng Mari­veles, Bataan kamakalawa.

Kabilang sa mga bikti­mang naisalba ng mga aw­toridad ay sina Enrico Taruc, boat captain; Jose “Joe” Angeles assistant boat cap­tain; at Carlos Forna­dero, yacht supervisor.

Ang tatlo ay pawang ka­wani ni Romblon Rep. Elean­dro Madrona na may-ari ng yate na lumubog dahil sa ma­sungit na pa­nahon dulot ng bagyong “Egay”.

Sa  ulat  na  isinumite  kay P/Supt. Benjamin Silo, hepe ng pulisya sa bayan ng  Mariveles, nabatid na ka­salu­kuyang pa­balik na sa Maynila mula sa Subic Bay Freeport ang nasa­bing yate nang hampasin ito ng mala­laking alon na may ka­samang ina­anod na torso sa karagatang sakop ng Ba­rangay Nagba­ yog-Talaga sa Mariveles.

Nagawa namang maka­pagsuot ng mga life jacket ang tatlong kawani ng solon bago tuluyang lumubog ang sa­sakyang dagat.

Ang mga ito ay nailigtas ng mga nagrespondeng ele­mento ng search and rescue team ng lokal na pamahalaan sa Ba­taan na kalapit lamang ng Zam­bales. Jonie Capa­laran at Joy Cantos

BENJAMIN SILO

CARLOS FORNA

ENRICO TARUC

JONIE CAPA

JOY CANTOS

MARIVELES

ROMBLON REP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with