^

Probinsiya

Proteksyon sa testigo vs Hitgano tiniyak

-

Nangako kahapon si Justice Secretary Raul Gonzalez na tutulungan ng kanyang tanggapan ang mga testigo at kamag-anak ng mga biktima sa mga krimeng kina­sasangkutan umano ni dating Trento, Agusan del Sur Mayor Escolastico  Hit­gano.

Ginawa ni Gonzalez ang pangako kasabay ng pagsa­sabing, kung may matibay na ebidensya, ipa­paaresto niya sa National Bureau of Investigation si Hitgano at ang asawa nitong si Irinea na kasalukuyang alkalde sa naturang bayan.

Tiniyak niya ang protek­syon para sa mga testigo at kaanak ng mga biktima.

Ipinasusuri din mabuti ni Gonzalez sa NBI ang mga ebidensiya at testimonyang gagamitin laban kay Hitgano.

Samantala, sinabi naman ni NBI Director Nestor Man­taring na pormal na isa­sampa ang kasong kriminal laban kay Hitgano sa dara­ting na Lunes.

Sa ginanap na presscon, pormal na iprinisinta ng NBI ang self-confessed killer na si Elmo Numancia, kasama ang mga testigong sina Linda Oliver, auxillary police na may hawak umano ng blue book na naglalaman ng mga indibiduwal na nakatak­dang papatayin at pinapatay ni Hitgano at asawa nitong si Michael Ayong na una ng ipinadukot umano ni Hitgano dahil sa pag-aakalang buma­liktad na ito sa kalabang pulitiko.

Una ng ibinunyag ni Nu­mancia sa NBI na sangkot ang mag-asawang Hitgano  sa serye ng patayan sa natu­rang lalawigan matapos na pagtangkaan umano ang kanyang buhay ng iba pang hired-killers umano ng dating alkalde. (Grace dela Cruz at Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

DIRECTOR NESTOR MAN

ELMO NUMANCIA

GONZALEZ

HITGANO

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

LINDA OLIVER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with