^

Probinsiya

Shootout: 2 holdaper tumba, 2 pa dakma

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Dala­wang kalalakihan na pinaniniwalaang miyem­bro ng robbery holdup gang ang kumpirmadong napatay samantalang arestado naman ang da­lawa pa matapos maki­pag­barilan sa mga ta­uhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Cavite police sa Barangay Putol sa bayan ng Kawit, Ca­vite kahapon ng tanghali.

Kabilang sa mga na­patay ay sina Jonathan Asahar at Salvador Sura­bia, samantalang ares­tado naman sina Ronnel Castillo at Almar Celeste na kasalukuyang suma­sa­ilalim sa tactical inter­rogasyon ng CIDG sa National Capital Region.

Ang apat ay miyem­bro ng notoryus na “Abuyog” robbery holdup gang  na nag-ooperate sa Cavite at kalapit lala­wigan.

Ayon kay P/Senior Supt. Fidel Posadas, Cavite police director, nakaposte ang apat na sakay ng Mitsubishi Space Wagon (UFL-299) may ilang metro lamang ang layo sa MetroBank sa bayan ng Rosario.

Napag-alamang nagpaplanong holdapin ng grupo ang isang depositor nang makatunog na minomonitor sila ng mga tauhan ng CIDG.

Agad naman sumibat ng apat subalit hinabol sila ng mga awtoridad hanggang sa maganap ang madugong bakba­kan sa kahabaan ng Cen­tennial Highway sa Barangay Tuclong ban­dang alas-12:30 ng tanghali.

Bulagta agad si Asa­har matapos na mapuru­han, samanta­lang nama­tay habang ginagamot sa ospital si Surabia at da­lawa naman ang na­aresto.

Nakarekober ng da­lawang baril ang mula sa mga napatay na hol­daper. Arnell Ozaeta, Cristina Timbang, Ed Amoroso at Joy Cantos

vuukle comment

ALMAR CELESTE

ARNELL OZAETA

BARANGAY PUTOL

BARANGAY TUCLONG

CAVITE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with