^

Probinsiya

Inakalang mangkukulam grinipuhan

-

ANTIPOLO CITY —  Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 77-anyos na lolong inakusa­hang mang­­­kukulam ng kan­yang kapitbahay na lalaki sa Ba­rangay San Jose, Anti­polo City, Rizal kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jose Gulo Sino ng Upper Buhanginan, Sitio Solid Cement ng nabanggit na barangay.

Samantala, ang suspek na hinostage pa ang sariling misis na buntis at dalawang anak ay nakilalang si Sonny Dusdos, 33, na ngayon ay nakapiit at pormal na kina­suhan.

Ayon kay P/Senior Supt. Freddie Panen, Rizal provincial director, inakusang mang­ kukulam ang biktima kaya nang makasalubong ng sus­pek ay isinagawa ang krimen.

Upang hindi kaagad ma­sakote ang pulisya ay hinos­tage ang kanyang mag-iina, subalit matapos ang may sampung minutong nego­sasyon ay napasuko ang suspek.

Lumitaw sa imbestigas­yon na naburyong ang sus­pek matapos na mawalan ito ng trabaho, nanakawan pa ng pera’t mahahalagang pa­peles. (Edwin Balasa)

vuukle comment

EDWIN BALASA

FREDDIE PANEN

JOSE GULO SINO

RIZAL

SAN JOSE

SENIOR SUPT

SHY

SITIO SOLID CEMENT

SONNY DUSDOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with