Drug Queen ng Cebu tiklo
Nasakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang tinaguriang “drug queen” ng Lapu Lapu City sa Cebu sa isang buy-bust operation.
Kinilala ang suspek na si Laura Amodia Alegres na sinasabing kayang magbenta ng P1 milyong halaga ng shabu sa isang linggo.
Batay sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas, nasakote si Alegres sa buy-bust operation sa kanyang bahay sa Sitio Soong, Barangay Mactan. Si Alegres ay ikinukunsiderang level 2 drug pusher sa lunsod kung saan pinaniniwalaang malaking dagok sa sindikato ng droga ang pagkakasakote sa kanya. Danilo Garcia
- Latest
- Trending