GRO ni-rape slay ng adik
RIZAL — Brutal na kamatayan ang sumalubong sa isang 30-anyos na guest relation officer (GRO) matapos na halayin ay pinaslang pa ng isang adik na obrero kung saan natagpuan ang bangkay ng una sa Barangay
Basag ang bungo ng biktimang si Jocelyn Mendoza, namamasukang GRO sa Southern Videoke Bar at residente ng Sitio Bagong Sibol, Barangay San Juan, Taytay, Rizal.
Ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-8 ng umaga ng mga taong naglalakad sa kalsadang sakop ng nabanggit na barangay.
Nasakote naman ang suspect na si Jaime Picardal 25, construction worker at residente ng Villa Angelina, Sitio Manggahan, Barangay San Roque, Antipolo City.
Ayon kay P/Senior Supt. Freddie Panen, Rizal police director, walang saplot at basag ang bungo nang matagpuan ang bangkay ng biktima at ilang metro ang layo ay natagpuan naman ang kanyang mga damit.
Sa hindi kalayuan sa crime scene ay nadiskubre ang pantalon ng suspek na may pagkikilanlan kaya nakilala agad ang suspek.
Sa follow-up operation ay naaresto naman ang suspek na lango pa sa droga nang abutan sa sariling bahay.
Inamin naman ng suspek ang krimen at sinabing hindi nito alam ang kanyang nagawa dahil sa paghithit ng marijuana.
Napag-alamang inilabas ng suspek ang biktima sa pinapasukang bar at pinangakuan ng P250 bago niya ito dinala sa kanyang bahay sa Antipolo at doon niya ito ginamit.
Matapos makipagtalik ay humithit pa ng isang stick ng marijuana ang suspek at sa balak na muling ikama ang biktima ay tumanggi na ito at nagtangkang mag-eskandalo.
Dahil dito ay nagalit ang suspek kaya kinaladkad ang biktima sa kahabaan ng highway saka niya ito sapilitang hinubaran at ginahasa saka pinaslang.
Kaagad namang binuhat ng suspek ang bangkay ng biktima at iniwan sa gilid ng kalsada bago ito hubo’t hubad na umuwi ng kanilang bahay at iniwan ang sout na damit sa sobrang pagkataranta.
- Latest
- Trending