^

Probinsiya

2 US bomb expert sali sa imbestigasyon

-

CAMP AGUINALDO Da­lawang US bomb expert ang tumulong na rin sa im­bes­tigasyon sa pambo­bomba sa terminal ng bus sa Koronadal City na kumitil ng buhay ng isang Pro­testant pastor habang pito pa ang nasugatan noong Biyernes ng hapon. 

Ayon kay P/Senior Supt. Robert Kiunisala, South Co­tabato police director  nitong Sabado ng hapon ay nagsi­mula nang mag-inspeksyon sa pinangyarihan ng pam­bo­bomba sa terminal ng YBL bus ang dalawang US military bomb expert.

Sinabi ni Kiunisala na bago ang pambobomba ay nagbanta pa ang grupo ng Al-Khobar sa may-ari ng bus na pasasabugin ito kapag hindi nagbigay ng protection money kaya lumi­naw ang anggulo ng ex­tortion.

Bunga ng insidente ay si­nuspinde naman ng Yellow Bus Line ang operasyon dahil sa pagsabog na ikina­sawi ni  Willie Caritan, Pro­testant  pastor sa Alliance Church sa Panabo, Davao City.

Sa pahayag ni Ramon Buriel, hepe ng security ng YBL, itutuloy lamang nila ang operasyon kapag tini­yak na ng militar at pulisya ang seguridad ng mga pa­sa­hero partikular na ang kanilang negosyo.

Kinumpirma pa nito na maraming beses na naka­tang­gap ng extortion letter ang pamunuan ng YBL bus mula sa nabanggit na grupo.

Napag-alamang hindi pag­bibigyan ng nasabing kompanya ng bus ang kahi­lingan ng nasabing grupo dahil masyadong malaki ang hinihingi na aabot sa P2 milyon at inisyal lamang ang P.5 milyon na ibibigay kada linggo. Joy Cantos

ALLIANCE CHURCH

DAVAO CITY

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with