^

Probinsiya

P 3M ari-arian winasak ng buhawi

-

BULACAN – Aabot sa P3-milyong ari-arian ng dalawamput pitong kabahayan ang nawasak matapos na manalasa ang buhawi sa Barangay Calantipay, Baliuag, Bulacan noong Lunes ng hapon. Sinabi ni Mayor Romeo Estrella na maging ang mga karatig na Barangay Matang-tubig, Tilapayong at ang Pinagbarilan ay naapektuhan din ng buhawi. Napag-alamang nagpadala na ng tulong ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Baliuag sa mga apekta­dong pamilya upang muling maitayo ang kanilang mga bahay. Samantala, ikinagulat naman ni Dr. Flaviana Hilario ng Climate Prediction Center ng Philippine Atmospheric Geo­physical Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang buhawi ay karaniwang lumalabas kapag may bagyo, subalit maari rin maging sanhi ng init at lamig ng panahon. Dahil dito, ilang residente ang nagpahayag na maaring sanhi ng cloud seeding operations ang nasabing buhawi. Dino Balabo/Boy Cruz

ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

BALIUAG

BARANGAY CALANTIPAY

BARANGAY MATANG

BOY CRUZ

CLIMATE PREDICTION CENTER

DINO BALABO

DR. FLAVIANA HILARIO

MAYOR ROMEO ESTRELLA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with