^

Probinsiya

Shootout: 3 kidnaper tumba

-

QUEZON —  Bayolen­teng kamatayan ang sinapit ng tatlong kalalakihan na pi­naniniwalaang miyembro ng kidnap-for-ransom gang ma­karaang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Barangay Bo­co­han sa Lucena City, Que­­zon kahapon ng madaling-araw.

Dalawa sa tatlong na­patay ay sina Marino Hapin Jr. ng Marquez Compound, Putatan, Muntinlupa City; Joe­mar Casabuena de Felipe, lider ng KFR gang na may standing warrant of arrest mula kay Judge Aven­turado ng Branch 2 11th Judicial Region ng Tagum City, Davao sa kasong kid­napping at serious illegal detention.

Sa pahayag ni P/Senior Supt. Hernando Zafra, Que­zon police director, ang tatlo ay dating miyembro ng no­toryus na Parolino kidnap-for-ransom gang na nag-oope­rate sa Southern Tagalog.

Batay sa ulat na tinang­gap ni P/Supt. Marcos Ba­dilla, chief of police sa Lucena City, na nakipag-coordinate ang mga tauhan ng Presidential Anti-Crime Emergency Response (PACER) sa pamumuno ni P/Supt. Ronald Oliver Lee kay Quezon Intelligence Chief P/Chief Laudemir  Bryan Llaneta tungkol sa pre­sensya ng grupo sa Lucena City na posibleng may tinatarget na biktima.

Agad namang tinungo ng mga pulis ang pinagku­kutaan ng mga suspek sa Roadside Inn sa Barangay Bocohan bandang alas-2:25 ng madaling-araw.

Subalit bago pa maka­rating ang mga awtoridad sa nasabing motel, nakatunog na ang mga suspek kaya mabilis na nagsitakas sakay ng isang Nissan Sentra  (PFG 841) at sumibad pa­tungong Purok Uno.

Nagkaroon ng habu­lan hanggang sa makorner ang mga suspek sa nabang­git na barangay bandang alas-3:20 ng madaling-araw na nagresulta ng pagkaka­patay sa tatlong suspek.

“Base sa aming intel­ligence information, naka­handa na naman ang grupo para mangkidnap ng mga kila­lang personalidad sa Quezon,” ani Llaneta sa PSN.

Nakarekober ang mga awtoridad ng isang Ingram Uzi machine pistol at dala­wang caliber .45 pistol mula sa mga napatay na suspek.

BARANGAY BO

BARANGAY BOCOHAN

BRYAN LLANETA

CHIEF LAUDEMIR

LUCENA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with