^

Probinsiya

Munisipyo pinasabog

-

AGOO, La Union – Pi­naniniwalaang may kaug­nayan sa nakalipas na elek­syon kaya pinasabog ang harapan ng munisipyo ng Agoo sa La Union noong Sa­bado ng gabi na nagresulta sa pagkasugat ng dalawang suspek na naaresto sa La Union Medical Center.

Ayon kay P/Chief Insp. Floro Samortin, police chief sa nabanggit na bayan, nawasak ang bahagi ng parking lot at isang van na nakaparada sa harapan ng nasabing munisipyo.

Agad na rumesponde ang mga pulis sa pangu­nguna ni Samortin at naha­rang ang isang Tamaraw FX na pinaniniwalaang gaga­mitin sa pagtakas ng mga suspek na sina Edwin Campos na nakumpiskahan ng baril at si Danilo Ramos na sugatan dahil sa tama ng shrapnel mula sa sumabog na granada. 

Kasalukuyang sinisilip ng pulisya ang anggulong pa­nanakot sa mga residente na posibleng may kaugnayan sa nakalipas na halalan.

May posibilidad rin na may kinalaman ang mga suspek sa pagpapasabog ng gusali na pag-aari ng pa­milya ni Mayor Franny Eri­guel ng Barangay Sta. Barbara noong nakalipas na linggo.

Napag-alamang nanalo sa mayoralty race ang asawa ni Eriguel na si Sa­n­dra sa bayan ng Agoo, ha­bang ang utol naman nito ay nanalo bilang konsehal.

Si Eriguel na naghain ng election protest ay natalo sa congressional race laban kay Butch Dumpit, dating military officer at anak ni Rep. Tomas Dumpit Sr.  (Jun Elias)

AGOO

BARANGAY STA

BUTCH DUMPIT

CHIEF INSP

DANILO RAMOS

LA UNION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with