^

Probinsiya

DND truck at bus nagsalpukan

-

Patay ang driver at pahinante ng isang delivery truck ng Arsenal ng Department of National Defense habang 13 pa ang malub­hang nasugatan nang sal­pukin ito ng isang pampa­saherong bus kahapon ng umaga sa Pilar, Bataan.

Nakilala ang mga nasawi na sina  Filbert Essel, driver ng truck at pahinante nitong si Gaspar Guerero na kapwa residente ng Tandang Sora, Quezon City.

Ginagamot naman sa Bataan General Hospital ang mga nasugatang biktima na karamihan ay pasahero ng Bataan Transit Bus.

Sinasabing binabagtas ng Bataan Transit bus ban­dang alas-8:00 ng umaga ang national highway sa Pilar nang unahan nito ang isa pang sasakyan na na­ging dahilan para sumalpok ito sa naturang delivery truck.

Wasak  at nahati ang ulo ng mini Izusu Forward na ang katawan ay tumilapon  sa bukid. Napag-alaman na maghahatid ito ng mga metal tool box sa arsenal nang maaksidente. (Jonie Capa­laran at Edwin Balasa)

vuukle comment

BATAAN GENERAL HOSPITAL

BATAAN TRANSIT

BATAAN TRANSIT BUS

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

EDWIN BALASA

FILBERT ESSEL

GASPAR GUERERO

IZUSU FORWARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with