^

Probinsiya

‘Impeach GMA’ sa 14th Congress imposible na

-

Ex-Cafgu pinabulagta

LEGAZPI CITY –  Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng isang dating miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) sa kamay ng mga rebeldeng New People’s Army sa bahagi ng Barangay Sinibaran sa bayan ng Matnog, Sorsogon kamakalawa. Ang biktima na pinag­babaril sa harapan mismo ng kanyang misis at anak ay nakilalang si Marlon Garay, 25. Napag-alamang pa­pauwi na ang biktima kasama ang pamilya nang harangin at paslangin. Tinangay ng mga rebelde ang ilang doku­mento na nakalagay sa pitaka ng biktima. (Ed Casulla)

Globe cell site sinabotahe

LEGAZPI CITY  — Sinalakay saka pinasabog ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang relay station ng Globe Telecom sa bahagi ng Barangay Lahong sa bayan ng Baleno, Masbate, kahapon ng umaga. Napag-ala­mang dinis-armahan ng mga rebelde ang nag-iisang security guard na si Maximo Bajar bago pinasabog ang generator ng nasabing relay station. Hindi naman ina­butan ng mga rumespondeng pulis at militar ang mga rebelde na nagsitakas patungong kabundukan ng nabanggit na bayan. Pinaniniwalaan na hindi nakapag­bigay ng revolutionary tax ang may-ari ng relay station ng Globe. (Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY LAHONG

BARANGAY SINIBARAN

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

ED CASULLA

GLOBE TELECOM

MARLON GARAY

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with