Mayoralty bet dinakip sa kasong homicide
April 24, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME  Arestado ang isang mayoralty bet sa isa sa bayang sakop ng Cebu makaraang masangkot ito sa kasong homicide may limang taon na ang nakalipas.
Nakilala ang inaresto na si Alexander Dela Fuente, kandidato sapagka-mayor sa bayan ng Madridejos, Cebu.
Base sa isinumiteng ulat kahapon sa Camp Crame, si dela Fuente ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Fernando Elumba ng Bacolod City Regional Trial Court Branch 42 na may kasong homicide noong Marso 20, 2002 at may piyansang P40,000.
Ayon kay P/Senior Supt. Carmelo Valmoria, Cebu police director, ang arrest warrant laban kay dela Fuente ay nakuha nila sa isang peace forum na ginanap sa Bantayan Sports Complex nitong nakalipas na linggo.
Bandang alas-5:20 ng hapon nang isilbi ang arrest warrant kay dela Fuente sa kanyang bahay sa T. Alonzo Street, Poblacion Village Madridejos, Cebu. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
18 hours ago
Recommended