^

Probinsiya

Mag-asawa tinodas ng akyat-bahay

-
CAMP CRAME — Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng mag-asawa sa kamay ng mga ’di kilalang kalalakihan na miyembro ng Akyat-Bahay Gang habang iginapos naman ang katiwala ng una sa naganap na karahasan sa loob mismo ng bahay ng mga biktima sa Barangay Laya, Baclayon, Bohol kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mag-asawang Helmut Malinka, German national at asawa nitong si Tequia, pawang nagtamo ng sugat sa ilang bahagi ng katawan dahil sa tama ng bala ng baril.

Samantala, nakaligtas naman ang katiwala na nakilalang si Virginia Saluza, na iginapos lang ng mga kawatan. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw kung saan pinasok ng mga armadong kawatan ang bahay ng mag-asawang Malinka sa nabanggit na barangay.

Napag-alamang nagising ang biktimang Aleman matapos na makaramdam ng ingay sa loob ng kanilang bahay at nang mamataan ang mga ka watan ay nanlaban ito at pinagbabaril siya.

Samantala, sumaklolo naman ang asawa nito na nagising din dahil sa komosyon sa loob ng bahay kaya pinagbabaril din ito, habang iginapos naman ang katiwala ng mag-asawa. (Edwin Balasa)

AKYAT-BAHAY GANG

BARANGAY LAYA

CAMP CRAME

EDWIN BALASA

HELMUT MALINKA

SAMANTALA

VIRGINIA SALUZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with