7 probinsya may red tide
April 13, 2007 | 12:00am
Nagbabala ang pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na pansamantalang iwasan ang pangunguha at pagtitinda ng anumang lamandagat sa karagatang sakop ng Irong Irong Bay sa Samar, Siaton Bay sa Negros Occidental, Balite Bay sa Davao Oriental, Wawa at Bani sa Pangasinan, Dumanquillas Bay sa Zamboang del Sur, Bislig Bay sa Surigao del Sur at Sorsogon Bay sa Albay. Ang babala na ipinalabas ni BFAR director Malcom Sarmiento dahil tumataas ang kasong kontaminasyon ng red tide. Nanawagan din si Sarmiento sa mga kinauukulang opisyal ng mga nabanggit na lalawigan na gumawa ng kaukulang hakbang para mapigil ang sinumang susuway sa nabanggit na anunsyo. (Rose Tamayo-Tesoro)
CAVITE – Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng isang di-kilalang babae na binasag ang mukha kung saan natagpuan ang bangkay sa dating dumpsite na may tubig sa bayan ng Carmona, Cavite kamakalawa. Nasa 25 hanggang 30-anyos ang edad ng biktima may fair complexion, may taas na 4’11 pulgada, nakasuot ng stripe na sleeveless na kulay berde, itim na panty, sporting short hair, at may tattoo sa kaliwang braso ng WNG. Ayon sa pulisya, nakalubog ang biktima sa maputik na creek habang ang bewang ay nakatali ng malaking bato para ’di-kaagad lumutang. Sinusuri ng mga imbestigador kung hinalay ang biktima bago paslangin. (Cristina Timbang)
CAMP CRAME  Tatlong preso na pinaniniwalaang sinamantalang walang kuryente ang iniulat na nakapuga sa himpilan ng pulisya sa Barangay Bula, General Santos City kahapon ang madaling-araw. Kinilala ang mga puganteng sina Teking Usman, 35, may kasong attempted qualified theft; Carlos Basana, may kasong direct assault upon an agent of person in authority; at si Roberto Nadela, may kasong pag-iingat ng bawal na droga. Ayon sa ulat, isinagawa ang pagtakas bandang alas-2:45 ng umaga kung saan walang ilaw sa ilang bahagi ng presinto kaya nalagari ang rehas na bakal sa likurang bahagi ng selda. Posibleng masibak sa puwesto ang mga pulis na nagbabantay sa nasabing lugar. (Edwin Balasa)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended