2 tulak dedo sa buy-bust
April 11, 2007 | 12:00am
RIZAL – Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na tulak ng droga ang iniulat na napatay habang lima sa kanilang kasamahan ay nasakote sa naganap na barilan sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal kamakalawa ng hapon.
Kabilang sa napatay ay sina Jojo Bravo at Michael Talib, habang arestado naman sina Eduardo Foronda, Jerry Patente, Eljun Pamesa, Jimmy Javie, at si Tenten Evangelista na pawang residente ng Sitio Lupang Arienda ng nasabing barangay.
Sa ulat ni P/Senior Supt. Freddie Panen, Rizal provincial director, naitala ang insidente dakong alas-4:35 ng hapon sa bahagi ng bilyaran sa Abnay Street ng nabanggit na barangay.
Napag-alamang nagpanggap na poseur-buyer ang isang pulis sa mga suspek hanggang sa mapatay ang dalawa matapos na pumalag at makipagbarilan sa mga tauhan ng mga pulis-Rizal at pangkat ng Provincial Mobile Group.
Nabatid na may ilang linggo na rin minomonitor ng pulisya ang nasabing grupo dahil sa pagpapakalat ng droga sa nabanggit na lugar kung saan isinagawa ang buy-bust operation
Nasamsam sa mga suspek ang tatlong maiksing baril gayundin ang 7-plastic sachet na naglalaman ng bawal na gamot na aabot sa 20 gramo. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest