^

Probinsiya

Hi-tech shabu lab ni-raid

-
SAN RAFAEL, Bulacan – Tinatayang aabot sa milyong halaga ng mga gamit sa paggawa ng shabu na pinaniniwalaang nakagagawa ng 800 kilong droga kada araw, ang nasabat makaraang salakayin ng mga awtoridad ang modernong shabu lab sa Barangay Capihan, San Rafael, Bulacan kahapon.

Bandang ala-una ng madaling-araw nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng PDEA at Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (AIDSOTF) ang bahay na pag-aari ni Reynaldo Balanguit sa loob ng Buenavista Park Subd. sa nabanggit na barangay, base na rin sa impormasyong nakalap sa ’di-kilalang informant.

Kabilang sa mga gamit sa paggawa ng shabu na nakumpiska ay ang oil/acid scrubber, mixer/dryer at iba pang support equipment na nagkakahalaga ng P1.7 milyon mula sa Taiwan at may kakayahang makagawa ng 100 kilong shabu sa loob lamang ng tatlong oras.

Ayon kay PDEA Director General Dionisio Santiago, nagawa namang makatakas ng Taiwanese na maintainer ng laboratoryo na si Su Kong Wee sa inilatag nilang checkpoints sa Bulacan, subalit nasakote naman ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang pasakay ng eroplano pabalik ng Taiwan kahapon rin ng umaga.

Ipinaliwanag ni Santiago na posibleng may mga kasabwat sa Bureau of Customs ang sindikato dahil sa impormasyon na galing sa ibang bansa ang mga raw products at dito na lamang sa Pilipinas tinitimpla ng mga Chinese chemists tulad ni Su Kong Wee.

Samantala, nakatakdang kasuhan ng PDEA ang tatlong pulis ng San Rafael kabilang na ang isang Colonel matapos na makialam sa kanilang operasyon na nagresulta sa pansamantalang pagkakatakas ni Wee.

Ayon kay Santiago, nagsagawa ng checkpoint ang kanilang mga tauhan upang masabat ang papatakas na Taiwanese, subalit nakialam ang mga pulis-Bulacan at ang mga tauhan ng PDEA pa ang muntik na arestuhin. (Dino Balabo, Edwin Balasa At Danilo Garcia)

AYON

BARANGAY CAPIHAN

BUENAVISTA PARK SUBD

BULACAN

BUREAU OF CUSTOMS

SAN RAFAEL

SU KONG WEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with