^

Probinsiya

Mayoralty bet inambus, 2 alalay dedo

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Sa kabila ng karagdagang puwersa na pinadala ng Philippine National Police ay muli na namang nabahiran ng karahasan ang Masbate makaraang mapatay sa pananambang ang dalawang alalay ng mayoral bet sa Sitio Bugtong Cawayan, Barangay Cabangkalan sa bayan ng Placer, Masbate kahapon ng madaling-araw.

Kabilang sa niratrat hanggang sa mapatay ay sina Florito "Nonoy" Duan at Toto Juanico, habang sugatan naman si Titing Berdejo na pawang alalay ni Placer Mayoral bet Freddie "Boy" Quidato na nakaligtas, subalit sugatan din.

Sa ulat na isinumite kay P/Supt Cecilio Callejo Jr., deputy regional director ng Bicol, naganap ang pananambang dakong alas-8 ng uma ga habang ang mga biktima ay naglalakad sa kahabaan ng nabanggit na barangay.

Napag-alaman, na tinangkang protektahan nina Duan at Juanico ang kandidatong si Quidato kaya ang dalawa ang napuruhan ng mga bala habang nakaligtas naman ang tumakbong alkalde kahit sugatan.

Nabatid na noong nakaraang linggo ay nagdagdag na ng puwersa ang PNP sa Masbate upang maiwasan ang lumalalang patayan na may kaugnayan sa pulitika at bilang seguridad na rin sa banta sa buhay ng mga kandidato sa nalalapit na halalan.

Kasabay nito, sinabi ni P/Chief Supt. Samuel Pagdila, tagapagsalita ng PNP, na walong iba pang lalawigan ang binabantayan ng mga awtoridad kung saan naitala ang ilang kaguluhan na may kaugnayan sa pulitika, subalit tumanggi naman itong ihayag ang naturang mga lugar.

Nagsagawa na rin ng mga checkpoints sa mga lansangan sa nasabing lalawigan upang hindi makakilos ang ilang armadong grupo na maaaring magresulta sa anumang madugong kaguluhan. (Ed Casulla At Edwin Balasa)

vuukle comment

BARANGAY CABANGKALAN

CHIEF SUPT

ED CASULLA AT EDWIN BALASA

LEGAZPI CITY

MASBATE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PLACER MAYORAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with