Maliksi walang kalaban sa Cavite
March 28, 2007 | 12:00am
CAVITE  Matapos ang masalimuot na karerang pampulitikal ni Cavite Governor Ireneo "Ayong" Maliksi, nakakasiguro ito sa pagiging gobernador na muli matapos na walang naglakas-loob na bumangga dito sa nalalapit na Halalan.
Si Governor Maliksi na kabilang sa Liberal Party ni Manila Mayor Lito Atienza ay nauna nang napaulat na mapapalaban sa administration bet Vice Govenor Juanito "Jonvic" Remulla, subalit umatras ang huli kamakalawa lamang dahil sa ilang kadahilanan.
Sa isang panayam kay Remulla, nagpahayag ng pag-atras sa pagka-gobernador nang magplano itong mag-aral sa Estados Unidos upang makapagturo pagbalik sa Cavite State University.
Ayon naman kay Alda Cabrera-Buslon, public information officer ng Cavite, hindi pa sila nakasisiguro kung hindi naman tatapatan ng ibang Remulla brothers si Gov. Maliksi, subalit nagpahayag na si Jonvic Remulla sa PSN na hindi tatakbo ang kanyang mga kapatid sa pagka-gobernador, bagkus ipagpapatuloy na lang ang pagtakbo bilang congressman sa kani-kanilang distrito. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended